Job Description
Full details about the role and requirements
Yukerja Summary
The Delivery Driver role at Triumvirate Corp. is curated from Bossjob (category Logistik & Supply Chain). Note the work location (Cavite, Calabarzon, Philippines) before applying. Yukerja.com is not the employer — applications are handled on the official source site.
Ang Delivery Driver ay responsable sa ligtas, maayos, at napapanahong paghahatid ng purified water sa mga residential, commercial, at business customers. Kabilang din sa tungkulin ang maingat na pagkakarga at pagbaba ng mga water container, pagbibigay ng magandang serbisyo sa customer, pangongolekta ng bayad kung kinakailangan, at pagpapanatili ng kalinisan at maayos na kondisyon ng sasakyang ginagamit sa paghahatid.
Oras ng Trabaho: Lunes hanggang Sabado, 7:00 AM hanggang 4:00 PM
Overtime: Ang oras na lalampas sa regular na schedule ay may kaukulang bayad alinsunod sa patakaran ng kumpanya at umiiral na batas sa paggawa.
Mga Tungkulin at Responsibilidad
- Maghatid ng purified water sa mga customer nang tama at nasa oras.
- Sundin ang nakatalagang delivery route upang maging mabilis at episyente ang paghahatid.
- Suriin ang sasakyan bago at pagkatapos ng biyahe at agad iulat ang anumang sira o problema.
- Panatilihing malinis at maayos ang kondisyon ng sasakyang ginagamit.
- Mangolekta ng bayad at magbigay ng resibo kung kinakailangan.
- Siguraduhing tama ang mga delivery order
- Magbigay ng magalang at propesyonal na serbisyo sa lahat ng customer.
- Ibalik at maayos na bilangin ang mga bakanteng water container.
- Sumunod sa mga batas trapiko, patakaran ng kumpanya, at mga panuntunan sa kaligtasan.
- Tumulong sa iba pang gawaing pang-operasyon kapag inatasan ng supervisor.
Mga Kwalipikasyon
- May valid Professional Driver's License na angkop sa gagamiting sasakyan.
- May karanasan sa pagmamaneho
- Malakas ang pangangatawan at kayang magbuhat ng mabibigat na water container.
- Pamilyar sa mga kalsada at delivery routes sa lugar.
- Matapat, responsable, maagap, at may magandang pakikitungo sa customer.
- Handa at may kakayahang mag-overtime kung kinakailangan (may kaukulang bayad).
Mas Mainam Kung
- May karanasan sa water station, beverage company, o delivery services.
- Willing ma-assign sa Imus, Cavite